top of page

Pagbabalik Tanaw

Ginugunita taon taon tuwing Agosto, ang Buwan ng Wika ay hindi lang isang selebrasyon ng Wika, kundi ito rin ay isang paraan ng pagbabalik tanaw sa ating mga ninuno.


Makukulay na kasuotan, kantang atin na kay gandang pakinggan at pagkaing masasarap, yan ang Buwan ng Wika sa karamihan. Ito rin ay isang paraan para maipakita natin bilang Pilipino ang pagpapahalaga sa ating kultura. Hindi maipagkakaila na ang ating kultura ay mayaman sapagkat ito'y binubuo ng iba't ibang aspeto mula sa mga katutubong pilipino, lalo na sa ating mga ninuno. Mayroon tayong "bayanihan" kung saan importante ang pagtutulungan. Kasama din sa ating kultura ang barayti ng pagkain mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas tulad ng Bicol express, Adobo at marami pang iba. Nasa kultura din natin ang pagiging relihiyoso tulad ng pagkakaroon ng malakihang pagtitipon para sa Poong Hesus Nazareno.


Ngunit sa mas malalim na konteksto, ang Buwan ng Wika ay pagbabalik tanaw sa pagkakaisa ng mga pilipino sa ating wika sa ilalim ng pamamahala ni Manuel L. Quezon. Nagpabago bago ito ng petsa ng pagdiriwang hanggang iprinoklama ni Pangulong Fidel Ramos na gunitain ito buong Agosto sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1041.


Pero para sakin, ito ay isang paraan ng mga kabataan na gunitain ang nakaraan. Ang henerasyon natin ay babad na sa makabagong takbo ng mundo, partikular na sa teknolohiya pumapalibot sa atin. May mabuti o masama man itong dulot, isa pa din ito sa bumubuo ng buhay kabataan ngayon at kung tutuusin, maituturin na ngang isang "pangunahing pangangailangan". Aminado akong isa ako sa mga kabataang laki sa teknolohiya pero naniniwala akong epektibo ang pagkakaroon ng Buwan ng Wika sa pagkilala at pagunawa ng mga pilipino noon at ngayon. Hindi lang ito pagpapahalaga sa ating wika, ngunit pagbibigay halaga din sa mga tao at kulturang bumubuo dito.

 
 
 

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Emma Brewer. Proudly created with Wix.com

bottom of page